Tuesday, December 18, 2012

The Versatile Blogger Award

Una sa lahat, gusto ko sana talaga magself pitty na hindi ako deserving sa award na 'to. Pero wag na lang, dagdag letra pa sa ittype. HAHAH!




The Rules: 
1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog.
2. Post seven random things about you
3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.


Dahil masunurin akong bata:

1. Thank you pretty and sexy ate Arline of the The Pink Line (na hanggang ngayon hindi ko po alam kung ano yung line na pink) sa award na to. Maluha-luha ako nang mabasa ang pangalan ko sa iyong entry. :) [Nicheck ko ulit kung andun nga, baka feelingero lang ako] Salamat ng marami! Marami ring salamat sa may pakana ng blog award na to. :)


2. Seven Random Things About Me.

TAMAD 
Oh yes! Alam na alam yan ng mga kaklase ko nung college pa ko at mga naging housemates ko. At isa ito sa mga bagay na alam kong hindi ko dapat ipagmalaki! HAHAH! Tamad, tipong pag may nalalaglag na gamit ko sa ilalim ng kama ko, hindi ko na sya kukunin kung hindi ko naman gagamitin. Kapag may ibang nakakuha, tsaka ko sasabihin na saakin yun. HAHAH! Hindi ko nga alam kung aasenso pa ang buhay ko! :( Pero hinde, once na gumawa ako, gusto ko laging plantsado, sureball, with finesse! pulido, hindi basta basta (kitang kita naman ang mga pruweba ko sa Hiroshima, Nagasaki and 7/11 bombing!) Oha! 9/11 bombing talaga yun.

SWEET TOOTH
Ako na nga ang may sweet tooth. Kaya kong umubos ng ilang lyanera ng leche flan. At isang garapon ng macapuno. Kaya ko pa lumampas, pero alam ko naman na asukal lang yung nagpapatamis dun so it's a no no! HAHAHAH! Napakataas ng tolerance ko sa sweetness ng pag-ibig pagkain. Tirador din ako ng icing/frosting ng cake at iba't ibang desserts. 

CURSE
Mabait akong bata, hindi ako nagmumura gamit ang mga tagalog lines na alam na alam kahit ng mga batang edad 2 years old sa lansangan. Pasosyal ako, ganto ako: WTH, holy crap! Stupid! ...Dyok lang! Walang ganyan. ^^

BLACK&WHITE
TRIVIA: Sa kabila ng aking pagpipinta gamit ang mga pastels, bulag ako sa mga kulay. :) Yung mga binibili kong crayola at pastels kailangang may mga labels ng kulay sa pabalat kasi nga black&white ang paningin ko. Chos! HAHAH! Sa tulong ng aking mga friends na may normal na sharingan, sa kanila nalang ako nagtatanong ng mga totoong kulay ng mga bagay bagay sa mundo. 

BABAE
Madami na akong napaiyak na babae (Shaks! Hampogi!). Dyok lang! Pero kagaya ni pareng Cyron, magaling din ako makipaglandian. Dyok ulet! HAHAH! 
Echusero lang! <-Yan lang talaga ang description sa portion na 'to.

HAYUP!
Ayy, mahilig ako sa mga hayop. Lalo na sa mga tiger aso kahit askal pa yan! Maawain ako sa kanila. Kahit yung mga daga na nahuli sa bahay, gusto kong pakawalan. Ang cute kasi! HAHAH! Nakakaawa. 
Pero ayaw ko sa mga insekto at gagamba. Kadiri. Nakakatakot. Lalo na pag kitang kita mo yung mga balahibo. Dati paborito kong paglaruan ang mga gagamba, pero nung natuto ako tumingin ng larawan sa encyclopedia, nakita kong nakakatakot ang mga balahibo nila. TARANTULA! Hindi ako fan nyan, feeling ko maliit lang syang gagamba, naka-ZOOM IN lang sa totoong buhay! OA diba!

BATA
Hindi ako mahilig sa mga baby. T_T  kabaligtaran ni ateng maganda at sexy Arline. Yung ibang baby pinaplastik ko lang na kunwari tuwang tuwa ako sa kanila. HAHAH! Dyok lang! Snob lang ako sa mga baby. Choosy ako, gusto ko cute! ^^ Mahilig ako sa mga batang... batang nauutusan na! (Kasi nga *balikan ang first random thing)


Ayan lang! Marami pang iba. Pero dahil nga masunurin akong bata, 7 lang. HAHAH! 


3. Tag 15 bloggers. (Yung iba natag na ^^ )
Nong Inong of Kumonoy
Mecoy of Mecoy
Cheenee of Kwentong Palaka
Littleyana of Thingking Outloud
Sunnytoast of SunnyToast
Fiel-kun of Fiel-kun's Thoughts
Anyone! [:)]


Have a good day sa lahat! 

Ciao! :D















74 comments:

  1. Lol sa sweet tooth. Para kang yung isang fren ko din. Hinay-hinay din parekoy baka mauwi sa diabetes. Haha pareho kayo ni pareng Cy sa babae

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oyeah!!! Salamat sa concern parekoy! ^^

      Delete
  2. ikaw na ang galing sa angkan ng Uchiha nyahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihi panatik din po ba Gord? Pinky, Anime po yung Naruto at yung Uchiha clan po eh gumagamit ng sharingan.

      Delete
    2. Speaking of Naruto, namatay na po si Hyuuga Neji, ang henyo ng Byakugan. Naruto Manga 614.

      Delete
    3. Waah! Bakit si Neji pa?! T_T HAHAH! Sir naman, spoiler ka:)) Iniipon ko pa man din ang Narutong yan kasi inip na inip ako! HAHAH!

      Delete
    4. @anthony uu nga daw eh, takle isa pa naman sa mga mabangis na jounin yun....

      Delete
  3. natawa ako sa tirador ng icing.. marunong ako gumawa ng icing/frosting bigyan kita isang timba dyuk!

    sige bigay ko na lang sayo yung mga babies ko na pwede ng utusan dyuk ulet!

    pag nagkita tayo bulong ko sau kung ano yung pink na line ;)

    nice to know you more pao pao :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sakin Pink ipakita mo ah. dyuk!

      Delete
    2. HAHAH! oo nga at kitang kita ko sa fb ang husay mo:)) Rainbow ang kulay pwede? :) HAHAH!

      Osya, yung mga babies ko e ibibigay ko naman sayo hanggat bawal pa utusan. HAHAH!

      Ayy, gusto ko din makita! HAHAH! (Ano ba kasi yun?^_^)

      Same here ate Arline:)

      Delete
    3. @archie may bayad pag pinakita hanggang bulong lang para libre lols

      @pao kun rainbow? hmmmm..pagiisipan ko hahaha!

      Delete
  4. haha congrats Pao, isa ka na din Versatile Blogger :)

    ayun, mas nakilala pa kita ng lubusan dahil sa post mong ito.

    animal lover din ako, I prefer cats pero gusto ko din ng dogs.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH salamat! Sayo din Ser fiel! :)

      Okay din ang cats. Kaso parang hindi nasunod sa amo. HAHAH! ^^

      Delete
  5. hehe. congrats pare sa award! congrats! congrats! hehe.

    parehas tayo pastel din ang ginagamit ko, at dahil sa ebolusyon ng panahon, lately gumagamit na ako ng colored pencils, hayun lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. AHAHAH! Nag level up na din ako ha:) Konti konting acrylic. ^^ Thanks pare!

      Delete
  6. TAMAD at SWEET TOOTH aminado din ako dito
    color blind din ako haha

    well pinaka malalang naranasan ko ee may nag suicide attempt sa mga ka landian ko nuon katakot haha

    hmm ako mejo lan pag baby gusto ko sila haha

    ako din di maxado mahilig sa bata pero dipende pa din

    salamat sa pag tag muli aah,
    kso nakagawa na ko ng post about dito nuon pa man

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako. Andami pala nating sweet tooth dito!:))

      hampogi:)) Kakatakot yun, kakakaba.

      yes, dahil ikaw ay talagang versatile:)

      Delete
  7. Apir sa sweet tooth, babae at baby!

    Mukang ayos kang pagtripan sa mga kalahi ni spiderman! Haha.

    Tnxtnx at kasama ako sa list mo. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oha! Dami nating sweettooth dito! HAHAH! Nako,. tatapakan ko yang mga yan! HAHAH!

      No prob ser Gord! :))

      Delete
  8. Matamis ba yung sweet tooth? lol

    Aba ang daming lalaking malalandi. dyuk! Parang gusto ko magpacontest ng palandian. dyuk ulit! talunin nyo daw ako. (hung gwapo natin. lol)

    Ako din di mahilig sa bata. Nagsawa na kasi ako kakaalaga sa mga kapatid ko nung bata ako :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matamis den! HAHAH!

      Ayy, sige sali ako jan! dyok lang! HAHAHAH! Wala na atang makakatalo sayo? ;)

      Welcome, dahil ikaw ay sadyang versatile!:)

      Delete
  9. Sweet Tooth! Cheers tayo dito...:) Na curious tuloy ako sa photo mo...hmmm...haha


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. weee! dami nating sweet tooth dito! :) Photo? Nako baka matakot ka! HAHAH! ^^

      Delete
  10. Congrats! deserve mo tong award parekoy! Salamat din sa pag-tag (katulad mo tinignan ko uli kung kasama nga ba ako)

    Magkakasundo tayo sa mga hayop haha. At sa gagamba naman mukhang hindi kasi nageenjoy akong pinagmamasdan sila at napapamangha sa galing nila. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat ser nong! :) HAHAH! baka namamalikmata lang ano? ^^

      Anong galing? Si spiderman ba yan? :D HAHAH! Numbata ako lagi ako nangunguha at inilalaban sa tingting! ^^

      Delete
    2. Basta yung gagambang spiderman lang ayaw ko na yung may kamangdag haha

      Delete
  11. congrats ...nakakaaliw naman mag basa ng mga tungkol sayo...

    ReplyDelete
  12. You made me smile again Pao Kun. Anyway , thanks for tagging, pero di ko na alam kung ano pa di ko na share about myself. Magisip muna:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Welcome po ate Joy! Natutuwa po ako pag nadadagdagan ko ang pagsmile nyo. :) Okay po, will be waiting! ^^ keep us posted!

      Delete
  13. at ngayon ko lang nakita to. hahaha il make one like this? yon ba ang rule nito? hehehe sige gagawa ako!! hehehe thanks for this pao!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes po Lala! :)) Gawa ka, and keep us posted! :))

      Delete
  14. nakakatuwa talaga tong mga tag tag na to hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH oo nga po. Palipas oras din! Gawa ka din kuya Bino! :D

      Delete
  15. marunong ka din ba ng chidori? wahahahha

    takot din ako sa mga gagamba .

    creepy XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako hindi. Puro gentle fist lang. HAHAH! Isa akong hyuga. HAHAH!

      Delete
  16. pareho tayong tamad... nakakatamad kasing maging masipag diba? sweet tooth din ako...animal lover din ako... dami nating similarity... soulmates ba tayo? bwahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Makasoulamate ka naman jan kuya. Malay mo nga noh? HAHAHAHAH!

      Delete
  17. hindi talga ako maka-move on sa post na ito... we're destiny bro...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga at after 5 mins e binalikan mo to. :))

      Delete
  18. Salamat ng marami sa tag Pao! Aliw ako sa pagbasa ng mga sagot mo nyahaha!


    Tamada ka din pala, at takot sa insekto at gagamba. Buti ka pa nakita mo na ang soul mate mong si Senyor Iskwater haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Welcomes! HAHAHAH!

      Pagnatagpuan ka nya, baka ikaw na ang soulmate nya! HAHAH!

      Delete
    2. ayaw, baka humadlang pa ako sa tadhana nyong dalawa! haha

      Delete
  19. Congrats sa award! I have a sweet tooth din kaya lang di ko namn kaya umubos ng isang garapong macapuno! haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat! HAHAHAH! OA na ba ang 1 garapon? :) thanks sa pag follow! ^^

      Delete
  20. Congrats sa award and thank you for including me on the list:) God Bless.

    by the way its nice to knw more a little about you with this entry..I guess some we are the same..tamad lol

    Merry christmas:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH welcome SunnyToast! :)) God bless you too!

      My greetings will be on Christmas! :))

      Delete
  21. Hindi moko sinabihan naka-tag pala ako dito Pao, musta naman yun kung sakali pala ay 2013 ko pa to makikita haha pero biro lang yan. Nakatanggap na ako nito pero mag iisip ako kung pano kita ma-acknowledge sa pagbibigay mo ng award sa akin. Maraming salamat sa ngayon. Btw, naimpress naman ako sayo bilang artist ay color blind ka pala.. hmm diba't karamihan yata ng artist ay ganun? Palaisipan..

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Okay lang! Enough na ang comment na to para maacknowledge ako sa pag tag sayo. :))

      Ayy hindi ko alam, ang alam ko lang na sikat na colorblind e yung retired vice president ng "CRAYOLA". :)

      Delete
  22. Ay kasali pala ako dito. Thanks pao! Busy lang ang lola mo kaya baka next week ko na ito magawa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yesss! Welcome po :)) Take your time po! ^^

      Delete
  23. ha ha ha naaliw mo naman ako ng husto sa 7 random things about you. gusto ko mamili ng best among the seven but gusto ko lahat ang pagka-weirdo mo lol :P

    Congrats sa award!

    ReplyDelete
  24. Tamad! IKR? hahaha

    Sweet Tooth: Thugar Cruth!

    Curse: I can imagine you doing a conyo way of cursing... sample nga? hahaha

    Black & White: may naalala ako dito, sa pagfill up ng form, nilagay sa Color of your eyes - black and white; hahaha tama naman di ba?

    Babae: What's the point of typing a long sentence and then you strike-through it. Eh sa totoo lang, yan talaga gusto mo ilagay at ipabasa sa amin. hahaha

    Hayup: May strike-through ulit! Tiger! Smile!!!! hahaha

    Bata: naku! Naku! Di ko ipapalaro sayo ang mga super mariong maliliit! Mahirap na! baka saktan mo! hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tamad: Hmm wala e. hahaha! Di ako makahabla. haha!

      Sweet tooth: DIVINE!

      Curse: Oh man! You D*mb*ss! hahaha! heh!

      Black and white: hahaha may tama sya! Feeling ko ikaw nag lagay non e. hahah!

      Babae: hahaha ewan ko sayo. Wala yan!

      Hayup: Iupload ko kaya ang video mong pilit pinapasmile ang tiger! haha!

      Bata: HINDI! Nagbago na ko! Haha! Mag nanakaw ako ng isang super mario pag di mo sila pinayagang makipaglaro sakin. hahaha!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...