Monday, February 4, 2013

Disappointment x Faith

Lahat ng tao nakakaranas ng disappointment o pagkadismaya. Ang dahilan? Pagkabigo sa isang bagay na lubos nating inaasahan. Pagkadismaya sa bagay na akala natin kaya nating gawin, pero hindi pala. Pagkadismaya sa taong inaasahan nating nariyan pagkailangan natin sila, pero wala pala.


“Blessed is he who expects nothing, for he shall never be disappointed.” 

― Alexander Pope


Pwede nga kayang hindi tayo mag-expect kagaya ng sinabi ni Alexander Pope? Siguro pwede pero mahirap. Napakahirap. 

Kahit sa mga maliliit na bagay lang maari tayong makaranas ng simpleng pagkadismaya. Pero minsan, ang simple, lumalala. 


"...and the only thing we know is things don't always go the way we plan" 
- We Are One [Lion King II]


Exams: Yung feeling na alam mong pasado ka kasi nag-aral ka nang mabuti at nasagutan mo ang lahat ng mga tanong. Pero matapos ma-checkan yung papel mo, bagsak ka. Tsk tsk! Bakit? Dahil sa carelessness. Hindi mo pala nabasa ang instruction dahil sa sobrang excitement mo. Kaka-disappoint diba? Pero hindi ba't mas nakaka-disappoint yung magdamag kang nag-aral pero iba yung lumabas sa exam? Badtrip!

(Looking at the bright side, buti nga ikaw nakapag-exam at may grade, yung iba bumabagsak dahil walang pang tuition.)

Pag-ibig: Yung feeling na akala mo magiging kayo na, pero busted ka pala! Sakit sa puso di ba? Sa tagal-tagal ng panliligaw na ginawa mo at sa laki ng nagastos mo e mauuwi sa wala. Lahat ng pagod at sakripisyo napunta lang sa wala. Disappointed ka ngayon kasi sinasabi mong umasa ka dahil pinaasa ka. Pero kung titingnan mong mabuti... "ligaw" nga diba? Ligaw! Ibig sabihin nasa kalagitnaan ka pa rin ng judgment. Hindi porke pinayagan kang manligaw at ang sweet-sweet nyo na e ibig sabihin magiging kayo na sa huli. Hindi ka "pinaasa", ikaw lang ang sobra kung umasa.

(Looking at the bright side: buti nga ikaw pinayagan manligaw, yung iba, hindi pa nakakapanligaw busted na.)

Nakakadisappoint din yung ikaw nalang ang single sa tropahan nyo. Tapos makikita mong ang saya-saya at sweet-sweet sa mga pictures nila. Sighs. (-.-)

(Looking at the bright side: Wala kang ibang gagastusan kundi ang sarili mo. Bawas stress na din for the mean time.)

Kaibigan: Andun ka pagkailangan ka nila. A-absent ka pa sa trabaho o sa iskwela para lang damayan sila sa problema. Ang problema nila ay problema mo rin. Pero nung ikaw na ang may kailangan sa kanila... nasaan sila? Busy. Hindi man lang makaalala. Hindi ka magawang puntahan o tawagan man lang kapag ikaw ang nangangailangan. Parang hindi ka na kilala matapos mo silang tulungan. Nakaka-disappoint yung mga taong inaasahan mo tapos wala. Yung iba naman, plastik! Ang bait-bait pagkaharap ka, tapos kung ano anong pinagsasasabi sayo pag nakatalikod ka na. Hindi lang yan nakakadisappoint, nakakabadtrip talaga sadya. Hahaha!

(Looking at the bright side: at least naging mabuti kang kaibigan sa kanila, wala silang maiisumbat sayo. Alam mo na ngayon kung sino ang tunay at kung sino ang hindi.)


Marami pang iba. Sa trabaho, pamilya, kalusugan at iba pang mga gawain na hindi ko na maiisa-isa. Gusto nyo bang dagdagan? Sige lang!

.
.
.
.
.
.

Ayan! Dyan tayo magaling. Sa pagbibilang ng mga bagay na nakaka-disappoint satin, imbes na magbilang ng blessings na natatanggap natin. Pero minsan naisip na din ba nating nakakadisappoint tayo ng ibang tao? Minsan di natin sinasadya, minsan naman akala natin yung ginagawa natin ay tama kaya tuloy-tuloy pa rin tayo. Hindi natin alam, nakakadisappoint na pala tayo ng ibang TAO at minsan ...



FAITH: Tayo, gano ba katatag ang pananalig natin? Mabigyan lang tayo ng mga pagsubok gaya ng mga nabanggit sa itaas e laglag agad ang faith natin. "Lord, bakit ako pa? Bakit sa pamilya ko pa? Bakit mo ko pinaparanas ng ganito?!" Galit na galit tayo. Kung titingnan natin, hindi tayo naiiba sa mga taong kina-di-dismayahan natin. Tinatawag at kinakausap lang natin Siya pagkailangan natin ng tulong o kapag may problema tayo. Pero kapag solved na, wala na. Pasalamat nang kaunti, pagkatapos nyan limutan na ulit. Nakakalimutan na natin Sya. Sino ngayon ang dinidismaya natin? Hindi kaya yun ang dahilan kung bakit tayo nakakaranas ng ilang pagsubok? Ipagpasalamat natin ang kahit simpleng paggising natin bawat araw dahil hindi lahat ay nakakaranas ng ganyan.  Huwag na nating hintaying tapikin Niya tayo para lang Siya ay maalala natin. ;)


Oh, reflect! :)


Pao Kun's Thought 101:
Hindi 2D ang buhay natin. Huwag natin itong tingnan sa iisang anggulo lang. Marami itong views and angles na mapagpipilian. Always look at the brighter side of the story.  

65 comments:

  1. Gusto ko ginoo yung huli mong thought-provoking quote. Ayan na yung susuma sa lahat ng tinipa mo sa itaas.

    This reminds me of an American blogger who's residing in Paris. You have the same technique of expounding ideas.

    Partida, kumpara sa edad niya bata ka pa pero katapat mo na siya. Ayos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po.

      It's an honor to be compared with other great bloggers! Thanks! Yun nga lang, pachamba chamba lang ako. Salamat sir.

      Delete
  2. Replies
    1. Kaya pala pagka post ko e nasa dulo ka agad! hahaha!

      Delete
  3. Replies
    1. Yan din ang title ko nung nishare ko to sa twitter! ;)

      Delete
  4. well okay lang ang umasa ok lang ang mabigo ang di ok eeh ung isumbat sa diyos oh mawalan ka ng pananampalataya sa kanya dahil dito,dahil mas maraming milagro at pagpapala tayong nakakamit sa kanya at di dahil di natupad ang hiling natin sa kanya ee feeling natin ee pinabayaan na tayo
    ang bawat segundo at hininga at ang lahat ng nakikita mo ay kaloob niya sa atin at ito ang dapat nating ipagpasalamat sa halip na umangal sa kung ano ang wala

    ReplyDelete
    Replies
    1. So be it. Tama ka jan parekoy! Yung mga unanswered prayer natin, minsan may better pang hinahanda si Lord para satin. ;)

      Delete
  5. pao emotero! dapat yan ang title ng blog mo hahaha! kaakibat ng tao ang mga gnyang pangyayari sa lhat ng aspeto!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha!!! Sige! Kesa naman sa Top 10 porn! Paasa! :D

      Delete
  6. Tao lang naman tayo so we expect, we complain, we get disappointed. Eh kung walang pagsubok eh di boring ang buhay. Ang mga trials in life ang nagpapatibay sa atin. May umaangat, may nalulubog. Kanya kanyang dala, kanya kanyang perspective sa buhay. Sa huli, nasa atin pa din ang desisyon At pananalig kung mayroon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep, boring ang buhay kung given na ang lahat! :)I agree.

      Delete
  7. Very well written and agree si momny joy. Dapat talaga di tayo mag judge dahil may mga mali din tayo and as you said: always look at the bright sides of life.
    Keep it up Pao Kun:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks po! :) I'll take it from the expert viewer of brighter side! :D

      Delete
  8. Tag ko si Lala kunwari FB/Twitter toh. oi @Lala bagay sa atin tong post ni Pao. Tama na ang pagiging #peanutbitter.

    The size of your success is measured by the strength of your desire; the size of your dream; and how you handle disappointment along the way ---> dapat ganyan, kumu-quotes!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahahahaha!!! Ano sabi ni Lala nag reply ba?! :D

      Noted na ang quote mo Fiel Kun! :D

      Delete
  9. maganda ang post na ito kaya lang ang hirap basahin ang white colored font kasi may shade na white din 'yung background...

    hindi lang pala sa bowe-ever ang pagmamapait...pd rin sa mga friends na kailangan ka lang pag down sila... maraming ganyan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nabago ko na at ikinubli ang kalawakan, isipin mo nalang nasa blackhole tayo.

      Too Senyor. NAPAKADAMI! (Based on experience)

      Delete
  10. May nabasa akong ganito: ""THE GREATEST HURT IS THE DISSAPOINTMENT OF UNFULFILLED EXPECTATION" tama naman di ba? Pero ano ang dapat gawin? Wag na lang mag expect? Expect the unexpected? We can't tell people not to expect something or anything throughout their lives. May mga magsasabi sayo na "wag ka na kasing mag expect! Di na dadating yon!" Ako nga naghihintay pa rin eh hahaha.. But then what? Still, people can't do away with expectations. May mga instances nga na kinamatayan na ang paghihintay. May mali nga ba sa attitude na ganito?

    For me, there's a big difference between expectation and hope. If we have to digest the meaning of the two words, we can see the difference.
    a. Expectation is the act or state of looking forward or anticipating.
    b. Hope is the belief in a positive outcome related to events and circumstances in one's life.

    See the difference? My vote goes for HOPE! and to back up my arguments, I will put Faith in the scenario since this is about Disappoinment x Faith... Check this out "Hebrews 11:1-6" Pakibasa na lang kasi masyadong mahaba hehe...

    Kung babasahin nyo, Verse 1 of the above passage tells us that FAITH is confidence in what we HOPE for and ASSURANCE about what we do not see. If we exercise this, surely we can't go amiss. Faith is not just a word. Exercise it and all our hopes will come into reality. Not just mere expectation, but believing and hoping that everything will be perfectly fine, In God's perfect time. Convert your expectation into hoping with faith in your heart and you will not be disappointed!

    Here are some act that is tough to follow and mostly we can't help but to expect.
    Act # 1: Give without expecting anything in return.
    Pag nagbigay ka, wag kang magantay ng kapalit. Mali yon. When you give, give wholeheartedly. No strings attached. Wala ng bawian. Kung di mo rin lang magagawa ito, wag ka na lang magbigay! As simple as that. No need to elaborate.

    Act # 2: Love without limitations. (may love talaga? Feb-Ibig naman eh haha) When you ask for a definition of love, you will get hundreds or even thousands of definitions depending on who's talking, and what situation they are in. But check this out:

    "LOVE is patient; unselfish and entails sacrifice..."
    (1 Corinthians 13:4-7)

    Some people are afraid so they set limitations, 'till they find themselves having lost it. Part of loving is to experience pain, so they say. Tama naman yon. But that doesn't stop us from loving. Love entails sacrifice nga eh. Kaya pag nagmahal ka, don't set any standards or limitations. I don't believe in putting percentage on how much love you can give. Basta pag nagmahal, yon na yon! you can't count it and you can't audit it. Sabi nila magtira ka para sa sarili mo? Hindi rin, kasi if you are capable of loving someone, mamahalin mo rin sarili mo. Sabi ko nga, di nabibilang ang love. Ano yon parang ganito? 1 love for you, 2 love for me? Hindi di ba? So pano mo masasabi na mauubusan ka ng love or kailangan mo magtira pag nagmahal ka? There's no such thing as kulang na pagmamahal or sobrang pagmamahal! Trust me I know (hahaha)! Sige nga, sino kayang bilangin ang pagmamahal? Treat ko sa Bo's Coffee hehehe (yeah plugging). Enjoy the relationship while it's still there. And for those who's relationships passed the test of time, CONGRATULATIONS!

    I have FAITH that I shared my points and HOPE that somehow, you find lessons in all that I've said. I'm not EXPECTING all of you who read this will agree with me.

    God Bless!!! Napahaba yata ang aking comments!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pang blog na rin ang comment nyo sir. Tinalo nyo pa ang post ko sa itaas. Hahahah!

      Tama kayo Super Mario. Hindi talaga maiiwasan ang mag expect, kahit na sabihin pa natin na we expect the worst, deep inside, yung the best pa rin ang hinahangad natin. Ayaw lang natin aminin dahil nga ayaw natin ng disappointment.

      And binasa ko yung Hebrews. Totoo. Faith is something that allows us to believe in something we cannot see. Do you have brain? Yes? But have you seen it? Simply, that's faith. We believe in God, but have we seen Him? Nope. But we still believe in Him. That's faith. :)


      Act#1: "What more do you want when you've done a man a service?"

      Act#2:"Love is not 'give and take', for once you give, you should not expect anything in return."

      God bless you more kuya Mar! :) Okay lang. I love to read, lalo na pag opinion. :) Thanks for sharing your thoughts!

      Delete
    2. Pinakain ko na Rabbit mo! Ang takaw pala sa madaling araw ng kuneho mo! hahahaha

      Delete
  11. Kaibigan: Andun ka pagkailangan ka nila. A-absent ka pa sa trabaho o sa iskwela para lang damayan sila sa problema. Ang problema nila ay problema mo rin. Pero nung ikaw na ang may kailangan sa kanila... nasaan sila? Busy. Hindi man lang makaalala. Hindi ka magawang puntahan o tawagan man lang kapag ikaw ang nangangailangan. Parang hindi ka na kilala matapos mo silang tulungan.


    naranasan ko to!!! isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpost ng I CRIED dati. malalaman mo talaga kung sino ang tunay sa peke. kung sino ung sasamahan ka lamang kapag ililibre mo sila at kapag kanya-kanyang bayad eh di daw sila available. kung sino yung nandiyan kapag down ka, at kung sino ang biglang mag-who-who u kapag namombroblema ka. naku, naranasan ko talaga iyan, kaya ingat talaga. bright side? nalaman ko'ng konti lang pala sa mga inaakala kong kaibigan ang TOTOO. at napahaba na naman ang komento ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha! Sino yan! Parang gusto ko basahin ang I CRIED na yan. Pero parang nabasa ko na. Sige babalikan ko ulit.

      Natawa ako sa panlilibre, isa sa mga iniiwasan ko yan, kasi pagdating sa pera, ang tao, vulnerable yan.

      Ayos lang kuya Bino. Minsan lang yan! ;)

      Delete
  12. Kung teacher lang sana ako - may malaking malaking check tong sinulat mo Pao :) Agree ako sa lahat. Wala nga namang disappointment kung walang expectation. Minsan lang, parang sadyang mahilig tayo mag expect bilang mga tao, kaya kailangan muna natin mag - wait a minute, stop at reflect tapos babaan o tangalin ang expectation.

    At sa sarili naman natin, mainam na wag tayo mag bibigay ng false hopes sa iba na nag ca-cause naman na mag expect ang mga tao. Dapat magsasabi lang tayo ng kaya nating gampanan - tignan mo yang mga politiko na yan, puro paasa! Haha nasingit
    talaga mga pulitiko no? O sya yun lang ang masasabi ko. Thanks Pao! Really insightful post :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat kuya Zai! Pasado na ako hanggang finals! yey! ahahah abusado.

      Tama tama. Sakto lang sa pulitika. Oo nga no, dapat naisingit ko din sa itaaas, kaso mahaba na masyado. Hahahah!

      Thanks kuya Zai!

      Delete
  13. Naka-relate ako sa exam na yan. Hahaha! Sobrang excitement di na binabasa ang instruction.

    Nakakapikon nga 'yang nanliligaw ka tapos todo effort ka pa sa kanya dahil sa pagkakaalam mo ay gusto ka rin nya. Pero sa bandang huli hindi mo nakuha ang "Oo!" na sagot! Hahaha! (Base sa highschool lovelife)

    At sobra akong naka-relate sa KAIBIGAN. Hahaha! Basta. Yoko ng i-share. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakailan na din ako sa exams na yan kuya Emps! Kung alam mo lang. Grr. Hahaha! Di na natuto.

      Yiieee sino kaya yan, si ate Joanne nalang kasi, kung san san ka pa tumitingin jan ee! hahaha!

      Ishare yan! Kailangan naiilabas yan, masakit yan sa puson, este sa kalooban. Hahaha!

      Delete
  14. Marami din akong disappointments sa buhay. Lalo na diyan sa KAIBIGAN at PAG-IBIG na iyan. Leche! Lol, pero ang pagiging positibo sa kabila ng mga pagkadismaya ay choice na nang tao. Mabuti at naipost mo ang temang ganito upang ipamukha sa amin at sa lahat ng babasa na "Hello, hindi nakakasilaw ang pagtingin sa brightside ng buhay" :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha relate na relate tayo sa dulce de leche ng pagibig at kaibigan ano? hahaha! Tama. At totoong too ang pag hello mo sa brightside! No offense sa mga EMO.

      Delete
  15. Disappointments? Dahil diyan lalo tayong lumalago. Bawat disappointments may natututunan tayo.. Kung wala kang natututunan ibig sabihin sarado utak mo...
    Hindi masama umasa... hindi masamang mabigo.. ang masama lang yung nararamdaman mo after mabigo... di naman pwedeng walang emotion para na tayong bato non..
    Okay lang yan... ang mahalaga at the end of the day okay ka pa din...

    ReplyDelete
    Replies
    1. depende nalang nga sa tao kung openminded sa mga disappointments at mga pagkakamaling nagawa nila. Tama ka!

      Delete
  16. one thing ive learned from expectations is that, we can hope but we shouldn't be expecting. Otherwise, you'll hate the outcome. What we can do as a consolation is to do our best always. To never have the what if's....:) We will learn din naman along the way...:)


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama at sabi nga, "expect the worst but hope for the best!" ;)

      Delete
  17. Basta it's good to expect, silent expectation(merun ba nun?).. ung nageexpect ka pero willing to accept kung sakaling hindi man matupad, you have other options and plans in life.Basta ganun, hihihihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahah! siguro yung sa sarili mo lang, pero di mo pinapakita sa iba? yes pare!

      Delete
  18. Ayos, oo nga naman, hindi nga pala 2D ang buhay. Wag pomukos sa iisang direksyon... Di man madali pero para na rin sa ating kapakanan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama tama. :) nasaatin din (partly) ang takbo o ikot ng mundo. :D

      Delete
  19. Alam mo yung nakakaasar sa post mo bata yung tipong pinag pipilitan mong sad yung post tas may "ON A BRIGHTER SIDE"! alam mo yun.. hahahaha.. panget ka!
    nakaka konsensya naman yung FAITh part...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para sayo nga pala yung pag ibig. Yung unang part! Namnamin mo ha! Panget! hahaha!

      May konsensya ka pala. :P

      Delete
  20. ang tawag dun.. pampalubag loob.. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka jan Cheenee, yaan mo, di yan maiintindihan ni panget sa itaas. Hahaha!!!

      Delete
  21. Minsan, di talaga maiiwasan mag-expect kaya di rin maiwasan madismaya at nangyayari to sa karamihan kundi man sa lahat lalo na sa larangan ng 'feb-ibig' at friendship. Ang kelangan lang eh matuto tayo at mag-move on kagad, gaya nga ng sinabi mo, we must look on the brighter side, mahirap pero dapat kayanin. :)

    ReplyDelete
  22. One thing i learned from all my jaded experience with this life is not to expect but rather to give the best of yourself...no matter what the result is at least you have tried the best you can…or kanta ka nalang ng I did my best but I guess my best wasn’t good enough…lol

    Pero I guess it a human nature tlga na minsan nag expect tayo so I think we should learn how to manage stress when things don’t work as planned..diba.
    Hay ang gulo tlga ng life! At with the exam it reminds me my highschool days…hahaha….more ako sagot sa dulo pala my instruction na just fold the paper to 4 parts then right your name at the top then submit your paper…kalowka lang!

    ReplyDelete
  23. Ganyan talaga.... masakit s alahat kapag umaasa ka na magiging okay ang lahat pero hindi pala...

    Katulad sa exam o love life... kapag inakala mong okay ang lahat pero hindi pala eh masasaktan ka talaga... at dahil diyan pati sa Itaas eh isisisi mo ang pagkabigo...

    Ganyan talaga.... nagustuhan ko ang post mo na ito... ^^

    ReplyDelete
  24. dapat talaga hindi masyadong nag-eexpect para hindi masyadong masakit pag hindi na-meet ang expectation.. pero lahat naman yan may dahilan kung bakit nangyayari.. at sabi mo nga always look on the bright side..yan din ang gnagawa ko kapag disappointed or frustrated ako and prayer is a big help.. nakakagaan ng loob kapag nakausap mo na si Lord..

    haaaay Pao ilang taon ka na ba talaga? hehehe :P

    ReplyDelete
  25. 02/13/2013 ...hi. . . i just need some advice im in love with someone kaso hindi nya ako gusto friend lang tingin nya sakin we talk about my feelings inamin ko sknya then sinabi nya na hanggang ngaun mahal nya padin yung ex nya kya hanggang ngaun single siya kase umaasa sxa sa promise ng ex nya n bblikan sxa. nsaktan ako dun sa totoo lang ilang weeks ako bago makarecover halos everyday lagi ako lasing lagi umiinom hindi ko kase alam kung anong ggwin ko wala pa ako msabihan almost 1week hindi kame ngkita after that hindi ko din na tiis nakipagkita ako sinabi ko na wag nya ako iwasan ok lng sakin yun kung ganun lang tingin mo sakin hindi ko kase kaya na bigla nlng kame hindi magkikita magiiwasan nasanay nko halos lagi kame ngkikita. pero sinabi ko lang ko yun kase ayaw ko siya mawala kaya kahit masakit para skin ayos lang hanggang ngayon mahal ko pa din siya im still hoping na baka magbago isip nya kahit mahal p nya ex ok lang sken ganun ko siya ka mahal tanga ko noh? how stupid i am lol. lagi nmn ako nasa tabi nya pag may problema im always here. parang kame nga eh pag magksma kame ppnta siya sa bahay kaen s labas mag mall together like bf/gf but were not just friends eh anu ano na ngbabasa ako ng mga blog about this (move on) two words easy to say lots of fish in water. ganun sana kadali eh pero hindi ko pa kayang mag move on skanya ni hindi ko pa kayang makipagdate to find someone and i think its unfair gagawin ko para lang kalimutan siya. gusto ko n nga siya tanungin ulit eh kung hindi ba talaga tayo pede wala ba tlaga ako para sayo and ask tayo na lang,tayo na lang habang hinihintay mo siya, give me chance, lets give it a try pero im afraid to ask takot kase baka maulit ulit na iwasan nya ako takot din sa magiging sa got nya its so hard loving someone who doesnt love you back...

    ReplyDelete
    Replies
    1. I dunno miss if I am the right person to give you an advise. But if you insist you can email me here: jppaopaul@gmail.com Thank you! And also, ramdam kita.

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...